Pangyayari sa buhay na hindi ko Inaasahan
imahe ko ngayong 17 taong gulang |
Minsan sa buhay natin may mga bagay tayong nararanasan na kung saan ay hindi natin napaghahandaan kaya kung kailang kaorasan na nang pangyayaring ito ay hindi natin malaman ang ating gagawin.
Ako si Maria Patricia R. Evangelista ay ipinanganak sa Tokyo, Japan. Labing-pitong taong gulang na ako. Sa labing-pitong taon ko hindi ko aakalaing makakaranas ako ng mga problema sa murang edad pa lamang. Siguro kahit kayo hindi paniniwalaang nakaranas na agad ako ng mga problema sa murang edad. Pero sa kabila noon, heto at nagtagumpay sa inaasam na pangarap na hindi ko inaasahan. Hayaan ninyong isalaysay ko sa inyo ang mga pangyayari sa buhay ko na inyong ikagugulat at kapupulutan ng magandang aral.
Ako ay nag-iisang anak lamang ng aking mga magulang. Noong magkakilala ang aking mga magulang ay sa Japan sila nagkatagpo ng landas at doon sila parehas nagtatrabaho. Hanggang sa doon na din sila nagpasyang magpakasal at bumuo ng pamilya. Dumaan ang ilang panahon ay nagdalang tao ang aking ina. At noong ika-16 ng Nobyembre, 1996 ng madaling araw ay ipinanganak ako. Naging masaya ang pamilya namin simula ng dumating ako sa buhay nila. Ang aking mga magulang ay mas lalong nagtiyagang magtrabaho para sa akin. Sa umaga si mama ang nagbabantay sa akin at sa gabi ay si papa. At habang lumalaki ako ay patuloy silang nagsisikap para suportahan ang aking pangangailangan. Sa unang taong kaarawan ko ay halos hindi sila nanghinayang na gumastos ng malaki para ipagdiwang ang araw na iyon. Halos lahat ng kaibigan nila at kamag-anakan namin na nasa Japan ay inimbitahan. Naging masaya ang araw na iyon sa buhay namin. Hanggang sa dumating ang ikatlong taon ng kaarawan ko ay nagpasya na ang aking mga magulang na iuwi ako sa Pilipinas sapagkat halos ng aking mga kamag-anakan ay nandito sa Pilipinas. Kaya inayos nila lahat ng mga papeles ko papunta dito sa Pilipinas at unti-unti nila akong tinuruang magsalita ng wikang Filipino. Sa oras ng aking paglipad papunta dito ay hinatid lamang ako ng aking ama sa airport at ang aking ina lamang ang nakasama ko dahil sa hindi pinayagang magbakasyon ng ilang buwan si papa sa Pilipinas. Pagkadating ko sa Pilipinas ay sa Maynila kami tumigil sa isang hotel. Ilang araw lang kaming timigil doon at dumiretso na kami sa Taguig para makita ang aking mga kamag-anak sa side ni mama at ilang linggo ay pumunta naman kami sa Batangas para makilala ko naman ang sa side ni papa. Naging masaya naman ang buhay ko sa pagpunta ko sa Pilipinas.
Lumipas ang ilang buwan ay kailangan na akong iwanan ng aking ina sa Taguig para makalipad na siya pabalik sa Japan. Alam naman natin mahirap at masakit na mahiwalay sa mga magulang pero kailangan kasi para sa kinabukasan ko naman yun. Dumating ang panahon na pumunta na ako sa Batangas para doon magsimulang mag-aral ng elementarya. Sa isang pribadong paaralan ako pinagaral ng aking mga magulang patuloy pa rin naman nila akong sinusuportahan. Hanggang sa makatuntong ako sa grade 3. Sa panahong iyon, hindi ko alam na nagkaaway sina mama at papa na naging sanhi ng paghihiwalay nila. At noong Mayo 2006 ay nahuli ang aking ama dahil sa mga panahong iyon siya pala ay TNT na sa Japan. Umuwi siya dito sa Batangas kasama ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Maynila. Siya ang sumundo kay papa sa airport kasama ang mga iba ko pang tiyahin na doon din nagtatrabaho. Ganoon na lamang ang aking panlulumo ng maikuwento niya ang nangyari sa kanila ni mama. Mahirap man at masakit na tanggapin na hiwalay na sila hindi ako nawalan ng pag-asa. Doon ko napagtanto na kaya pala simula noong umalis dito si mama ilang buwan na ang lumipas ay hindi na siya masyadong nagpaparamdam at laging si papa na lang ang nagpapadala ng suporta sa akin. Anim na taon na din ang lumipas(kasama na ang ang mga panahong hindi pa nabalik dito sa Pilipinas si papa) nagkaroon ng pangalawang pamilya si papa pero hindi naman siya nagkaanak doon. Sa panahong iyon tuwing sumasapit ang mga okasyon na kung saan ang buong pamilya sa side ni papa ay nabubuo, napapaiyak na lamang ako sa kwarto ko noon dahil sa naiinggit ako sa mga pinsan ko na kahit may mga problema sila ay buo at masaya pa din ang pamilya nila.
Minsan tinanong ko si Lord, "Lord, bakit ganun yun lang ang tanging hiniling ko sa inyo ipinagkait ninyo pa sa akin. Masama bang maghangad na mabuo ang aming pamilya, masama ba akong tao para pagkaitan ng tadhana, bakit Lord ganyan ka sa akin? Wala na ba akong karapatang maramdaman ang pagmamahal ng isang ina? Kasi Lord sabik na sabik na talaga ako sa kalinga at aruga ng isang tunay na ina." Sa mga panahong iyon din, ang pag-asa ko na mabuo pa ang pamilya namin ay unti-unti ng nawawala dahil sobrang tagal na din akong umaasa. Sabi ko sa sarili, "Apat na taon pa at pag hindi pa wala na talagang pag-asa."
Pagdating ng apat na taon saktong kaarawan ko ika-16 ng Nobyembre, 2011, humiling ako na sana sa taong iyon ay mabuo na pamilya namin. Dumating na ang Disyembre 2011 hindi pa din at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Sinabi ko na talaga sa sarili ko, hinding-hindi na ako aasa pa dahil nakakapagod na kaya sinimulan ko na hindi na umasa. Pumasok ang Enero 2012 hindi na talaga ako umasa. Kaylanman ay hindi ko na mararanasan ang kalinga at aruga ng isang tunay na ina. Dumating ang Pebrero tumawag ng hindi ko inaasahan si mama at nagsabing sa sunod na buwan ay pauwi siya. Parang wala lang sa akin yung sinabi niya kasi kahit umuwi siya wala din namang mangyayari. Nagpasalamat na lang ako kay Lord kasi maganda na din ang graduation gift niya sa akin dahil andun siya. Hiwalay man sila, kumpleto naman sa graduation ko. Unang linggo ng Marso umuwi si mama. Hindi ko inaasahang dito sa Batangas ang diretso niya para makipag-usap siya sa amin para ayusin at buuin muli ang aming pamilya. Medyo naiiyak na ako ng sinabi iyon ni mama. Lahat ng galit at poot ko sa puso ay naghilom sa ginawa niyang pagbuo sa pamilya ulit namin. Hanggang sa nakipag-ayos na din si papa at hiniwalayan na niya ang pangalawang asawa niya.
Sumapit ang Graduation Day ko ay sobrang saya dahil ang ganda ng regalo ni Lord sa akin. Nabuo ulit ang pamilya namin. Sinulit ko ang mga bonding moments namin tulad noong nagpunta kami ng Tagaytay April 2012 dahil doon nagkaroon kami ng kauna-unahang larawan bilang buong pamilya. Napakasaya ng reunion na ito kasi nabuo ang pamilya namin at hindi na ako nangungulila sa kalinga at aruga ng isang ina. Ang sarap sa pakiramdam na buo ang pamilya mo na matagal mo ng pinakahihintay. Humingi talaga ako ng sorry kay Lord kasi alam kong may nasabi akong hindi maganda sa kanya. Naging masyado akong demanding at naging maikli ang pang-unawa ko sa kanya. Tunay nga pala na kapag may hiniling ka sa kanya hindi man niya maibigay ngayon, darating ang araw na ibibigay din niya iyon sa tamang panahon at tamang oras. Matuto dapat tayong maghintay at huwag madaliin ang mga bagay-bagay. Dahil nabuo ang pamilya namin hindi lang yan ang kasiyahan namin. Siyempre, nag-outing kami para magdiwang ng Kaarawan ng mga Ina o Mother's Day.
At bakasyon sa Bicol para magdiwang ng birthday ng pinsan ko dun. Hindi ninyo lang alam kung anong ligaya ang naramdaman ko noong mga panahong iyon. Hanggang ngayon ay patuloy pa ding nagiging masaya ang pamilya namin kahit na madaming problema.
Grabe! Ito ang pinakamasaya, pinakahindi inaasahan, pinakahindi malilimutang pangyayari sa aking buhay. Thank you Lord. Napakabuti mo sa amin sa kabila ng aming mga kasalanan at pagkukulang. Sana ay magpatuloy ang pagiging buo ng aming pamilya. Masasabi kong pamilya talaga ang isang pinakamahalagang sektor na bumubuo sa ating lipunan. Kaya dapat nating pahalagahan ang mga bagay at huwag sayangin ang mga oportunidad para wala tayong panghinayangan.
Ako si Maria Patricia R. Evangelista ay ipinanganak sa Tokyo, Japan. Labing-pitong taong gulang na ako. Sa labing-pitong taon ko hindi ko aakalaing makakaranas ako ng mga problema sa murang edad pa lamang. Siguro kahit kayo hindi paniniwalaang nakaranas na agad ako ng mga problema sa murang edad. Pero sa kabila noon, heto at nagtagumpay sa inaasam na pangarap na hindi ko inaasahan. Hayaan ninyong isalaysay ko sa inyo ang mga pangyayari sa buhay ko na inyong ikagugulat at kapupulutan ng magandang aral.
Ako ay nag-iisang anak lamang ng aking mga magulang. Noong magkakilala ang aking mga magulang ay sa Japan sila nagkatagpo ng landas at doon sila parehas nagtatrabaho. Hanggang sa doon na din sila nagpasyang magpakasal at bumuo ng pamilya. Dumaan ang ilang panahon ay nagdalang tao ang aking ina. At noong ika-16 ng Nobyembre, 1996 ng madaling araw ay ipinanganak ako. Naging masaya ang pamilya namin simula ng dumating ako sa buhay nila. Ang aking mga magulang ay mas lalong nagtiyagang magtrabaho para sa akin. Sa umaga si mama ang nagbabantay sa akin at sa gabi ay si papa. At habang lumalaki ako ay patuloy silang nagsisikap para suportahan ang aking pangangailangan. Sa unang taong kaarawan ko ay halos hindi sila nanghinayang na gumastos ng malaki para ipagdiwang ang araw na iyon. Halos lahat ng kaibigan nila at kamag-anakan namin na nasa Japan ay inimbitahan. Naging masaya ang araw na iyon sa buhay namin. Hanggang sa dumating ang ikatlong taon ng kaarawan ko ay nagpasya na ang aking mga magulang na iuwi ako sa Pilipinas sapagkat halos ng aking mga kamag-anakan ay nandito sa Pilipinas. Kaya inayos nila lahat ng mga papeles ko papunta dito sa Pilipinas at unti-unti nila akong tinuruang magsalita ng wikang Filipino. Sa oras ng aking paglipad papunta dito ay hinatid lamang ako ng aking ama sa airport at ang aking ina lamang ang nakasama ko dahil sa hindi pinayagang magbakasyon ng ilang buwan si papa sa Pilipinas. Pagkadating ko sa Pilipinas ay sa Maynila kami tumigil sa isang hotel. Ilang araw lang kaming timigil doon at dumiretso na kami sa Taguig para makita ang aking mga kamag-anak sa side ni mama at ilang linggo ay pumunta naman kami sa Batangas para makilala ko naman ang sa side ni papa. Naging masaya naman ang buhay ko sa pagpunta ko sa Pilipinas.
Lumipas ang ilang buwan ay kailangan na akong iwanan ng aking ina sa Taguig para makalipad na siya pabalik sa Japan. Alam naman natin mahirap at masakit na mahiwalay sa mga magulang pero kailangan kasi para sa kinabukasan ko naman yun. Dumating ang panahon na pumunta na ako sa Batangas para doon magsimulang mag-aral ng elementarya. Sa isang pribadong paaralan ako pinagaral ng aking mga magulang patuloy pa rin naman nila akong sinusuportahan. Hanggang sa makatuntong ako sa grade 3. Sa panahong iyon, hindi ko alam na nagkaaway sina mama at papa na naging sanhi ng paghihiwalay nila. At noong Mayo 2006 ay nahuli ang aking ama dahil sa mga panahong iyon siya pala ay TNT na sa Japan. Umuwi siya dito sa Batangas kasama ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Maynila. Siya ang sumundo kay papa sa airport kasama ang mga iba ko pang tiyahin na doon din nagtatrabaho. Ganoon na lamang ang aking panlulumo ng maikuwento niya ang nangyari sa kanila ni mama. Mahirap man at masakit na tanggapin na hiwalay na sila hindi ako nawalan ng pag-asa. Doon ko napagtanto na kaya pala simula noong umalis dito si mama ilang buwan na ang lumipas ay hindi na siya masyadong nagpaparamdam at laging si papa na lang ang nagpapadala ng suporta sa akin. Anim na taon na din ang lumipas(kasama na ang ang mga panahong hindi pa nabalik dito sa Pilipinas si papa) nagkaroon ng pangalawang pamilya si papa pero hindi naman siya nagkaanak doon. Sa panahong iyon tuwing sumasapit ang mga okasyon na kung saan ang buong pamilya sa side ni papa ay nabubuo, napapaiyak na lamang ako sa kwarto ko noon dahil sa naiinggit ako sa mga pinsan ko na kahit may mga problema sila ay buo at masaya pa din ang pamilya nila.
Hopeless na ako! |
Pagdating ng apat na taon saktong kaarawan ko ika-16 ng Nobyembre, 2011, humiling ako na sana sa taong iyon ay mabuo na pamilya namin. Dumating na ang Disyembre 2011 hindi pa din at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Sinabi ko na talaga sa sarili ko, hinding-hindi na ako aasa pa dahil nakakapagod na kaya sinimulan ko na hindi na umasa. Pumasok ang Enero 2012 hindi na talaga ako umasa. Kaylanman ay hindi ko na mararanasan ang kalinga at aruga ng isang tunay na ina. Dumating ang Pebrero tumawag ng hindi ko inaasahan si mama at nagsabing sa sunod na buwan ay pauwi siya. Parang wala lang sa akin yung sinabi niya kasi kahit umuwi siya wala din namang mangyayari. Nagpasalamat na lang ako kay Lord kasi maganda na din ang graduation gift niya sa akin dahil andun siya. Hiwalay man sila, kumpleto naman sa graduation ko. Unang linggo ng Marso umuwi si mama. Hindi ko inaasahang dito sa Batangas ang diretso niya para makipag-usap siya sa amin para ayusin at buuin muli ang aming pamilya. Medyo naiiyak na ako ng sinabi iyon ni mama. Lahat ng galit at poot ko sa puso ay naghilom sa ginawa niyang pagbuo sa pamilya ulit namin. Hanggang sa nakipag-ayos na din si papa at hiniwalayan na niya ang pangalawang asawa niya.
First Family picture |
At bakasyon sa Bicol para magdiwang ng birthday ng pinsan ko dun. Hindi ninyo lang alam kung anong ligaya ang naramdaman ko noong mga panahong iyon. Hanggang ngayon ay patuloy pa ding nagiging masaya ang pamilya namin kahit na madaming problema.
Mother's day Celebration picture |
hope you learned a lesson from my experience!
TumugonBurahinGod bless
TumugonBurahinwala
TumugonBurahinGago
TumugonBurahin